Australia ‘di magpapadala ng mga opisyal sa Beijing Olympics —PM

Australia ‘di magpapadala ng mga opisyal sa Beijing Olympics —PM

December 8, 2021 @ 9:30 AM 10 months ago


AUSTRALIA – Hindi magpapadala ang Australia ng mga opsiyal sa winter Olympics sa Beijing, ayon kay Prime Minister Scott Morrison Miyerkoles.

Kabilang ang nasabing bansa kasama ang US na nagpahayag ng diplomatic boycott sa nasabing palakasan.

Ang desisyon ni Canberra ay bunsod ng “disagreement” sa Tsina dahil sa ilang mga isyu, kabilang na ang foreign interference laws ng Australia, at ang pagbili ng nuclear-powered submarines, ani Morrison.

“Australia will not step back from the strong position we’ve had standing up for Australia’s interests, and obviously it is of no surprise that we wouldn’t be sending Australian officials to those Games,” giit Morrison.

Matatandaang nauna nang nagpahayag ng diplomatic boycott ang US sa nasabing palakasan bunsod naman ng mga pagkakasala umano ng Tsina sa human rights.

Ang nasabing pang-aabuso, ay isa rin sa kinonsidera ni Morrison kung saan tumatanggi ang Tsina na makipag-usap sa Australia.

“There’s been no obstacle to that occurring on our side, but the Chinese government has consistently not accepted those opportunities for us to meet about these issues,” aniya pa. RNT