Australia, nakaganti sa Pinas sa FIBA

Australia, nakaganti sa Pinas sa FIBA

August 11, 2018 @ 12:46 PM 5 years ago


 

FIBA – Mahigit isang buwan pa lamang ang nakakalipas nang maganap ang basketbrawl sa FIBA Asia World Cup Qualifying ay muling nagkaharap ang Pilipinas at Australia pero sa pagitan naman ng Batang Gilas-Pilipinas at Australia Emus sa ginaganap na FIBA Under-18 Asian Championships sa Thailand.

Pero bigong maipagtanggol ng Batang Gilas ang bansa matapos tambakan ng Australian Emus sa iskor na 77-43.

Hindi na tumalab ang twin  tower at tanging si Ariel Edu lang ang naging sandigan ng Batang Gilas sa itinala nitong siyam na puntos, 10 rebounds at tatlong blocks.

Habang nanguna si Samson Froling para sa Australia sa itinalang 12 puntos na sinegunduhan naman nina Kody Stattmann at Callum Dalton ay nag-ambag ng tig-10 puntos.

Gayunpaman, magtatagisan pa rin para sa bronze ang Pilipinas at ang China ngayong araw habang New Zealand naman ang haharapin ng Australia sa finals.

Matatandaang nauwi sa suntukan at gulo ang laro ng Pilipinas at Australia noong Hulyo 2 sa Philippine Arena para sa FIBA World Cup Asian Qualifier pero hindi ito tinularan ng mga batang manlalaro at walang giriang naganap kagabi. (Remate News Team)