Australia, pinuri ni PBBM sa suporta sa aksyon ng Pinas vs human trafficking

Australia, pinuri ni PBBM sa suporta sa aksyon ng Pinas vs human trafficking

November 13, 2022 @ 8:13 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Australia sa pagsuporta nito sa Bohol Trafficking in Persons (TIP) work plan para ipatupad ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Convention on Trafficking in Persons Especially Women and Children.

Binigyang diin ng Pangulo ang pangangailangan para sa patuloy na kolaborasyon sa paglaban sa transnational crime.

“This partnership will strengthen our regional responses and keep us in step with the constantly evolving schemes of transnational criminals and traffickers,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging interbensyon sa second ASEAN-Australia Summit in Phnom Penh, Cambodia.

Tinalakay ang ekonomiya, sinuportahan naman ng Pangulo ang patuloy na pakikipagtulungan ng Australia’ sa ASEAN Technical and Vocational Education Training (TVET) Council na naglalayong paghusayin at palakasin ang “TVET systems and programs” ng ASEAN member states.

Si Marcos ay nagsilbi bilang inaugural chair ng ASEAN TVET Council mula 2020-2022, at nagpahayag na inaasahan ng Pilipinas ang pagpapalakas sa pagsasanay at scholarships sa pagitan ng espesyalista at estudyante, bilang paghahanda sa pagtatapos ng ASEAN-Australia-New Zealand Free Trade Area upgrade.

Sa usapin naman ng paglaban sa epekto ng climate change, nanawagan si Pangulong Marcos sa Australia na paigtingin ang suporta nito sa ASEAN Center for Biodiversity (ACB), itinuturing na lead institution ng ASEAN sa biodiversity conservation at promotion.

Tinalakay din nila ang food security at sinabi ni Marcos na welcome sa Pilipinas ang naging kasunduan nito sa Australia ukol sa implementasyon ng Strategic Plan for ASEAN Cooperation in Food, Agriculture, and Forestry mula taong 2016 hanggang 2025.

“Food-resilience and food self-sufficiency are two of our very basic and foremost priorities in the Philippines. We need to protect the region and our countries from shocks on the global food value chain, as well as against the adverse effects of climate change,” ayon sa Chief Executive.

Fully committed aniya ang Pilipinas na makamit ang regional peace at security, inaasahan ng Pangulo ang pinaigting na kooperasyon sa maritime law enforcement at paglaban sa “illegal, unreported at unregulated fishing” at marine debris.

“The Quad’s assurance of unwavering support for ASEAN unity and Centrality is a welcome pronouncement. It is in line with the view that such mini-lateral mechanisms should complement the ASEAN-centered regional security architecture,” wika pa ng Pangulo. Kris Jose