Australia PM nagpositibo sa COVID-19

Australia PM nagpositibo sa COVID-19

December 5, 2022 @ 6:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpositibo sa COVID-19 si Australian Prime Minister Anthony Albanese.

Ito ang inanunsyo niya nitong Lunes, Disyembre 5 kung saan sa kasalukuyan ay naka work from home siya habang naka-isolate.

Nitong Oktubre lamang, tinapos na ng Australia ang mandatory home quarantine para sa mga nahawaan ng sakit.

“I encourage anyone who is unwell to test and to take any extra precautions to keep their families and neighbors well,” ani Albanese.

Nakatakda sana siyang magpunta sa Papua New Guinea noong Disyembre 12 hanggang 13.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na mahawaan ng sakit si Albanese. RNT/JGC