Australian, Dutch, Austrian envoys tinanggap ni PBBM

Australian, Dutch, Austrian envoys tinanggap ni PBBM

October 12, 2022 @ 10:25 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pormal nang  tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga credential ng mga bagong itinalagang ambassadors mula Australia, Austrian at The Netherlands sa Palasyo ng Malakanyang.

Ibinahagi ng Malakanyang ang mga larawan ng seremonya ng presentasyon sa mga miyembro ng media subalit hanggang ngayon ay hindi pa nakapagpapalabas ng detalye ukol dito.

Makikita sa larawan ang mga ambassadors na sina Hae Kyong Yu ng Australia, Maria Alfonsa Magdalena Geraedts ng The Netherlands, at Johan Brieger ng Austria na lumnagda sa guest book sa Malakanyang.

Nakuhanan din ng larawan ang mga ito na nakikipagpulong kay Pangulong Marcos, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at iba pang opisyal.

Sa isang Facebook post, sinabi ng Office of the President (OP) na umaasa si Pangulong Marcos ng mas matibay at malakas na bilateral ties sa pagitan ng Pilipinas at Australia, Austria, at The Netherlands.

“The President also expressed optimism that ties between the Philippines and the home nations of the envoys would further strengthen and deepen moving forward,” ang wika ng OP.

Nagpahayag naman ng kahandaan ang tatlong bagong envoys na makikipagtulungan sa Philippine government para sa mas malakas na ugnayan. Kris Jose