Australian Grand Prix, kanselado

Australian Grand Prix, kanselado

July 7, 2021 @ 9:57 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Tuluyan nang kinansela ang ngayong taon na Australian Grand Prix dahil sa coronavirus pandemic.

Gaganapin sana ang taunang kumpetisyon sa Nobyembre 19-21 pero nagdesiyon ang organizers na hindi muna ito gawin dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19 sa mundo at Australia.

Matatandang noong isang taon ay kinansela rin ang event bunsod din ng pandemic at kinansela na rin ito ngayon taon dahil din sa paglaganap ng virus.

Bukod sa Grand Prix, nakansela rin ang Australian round ng MotoGP world championship na nakatakda sa Oktubre 24.

Ikinadismaya naman ni Australian Grand Prix Corporation chairman Paul Little ang ginawang pagkansela sa nasabing car race.

Bukod sa COVID-19, itinuturo ring dahilan sa pagka-unsiyame ng event ang ipinatutupad na mahigpit na border control sa Australia.Rico Navarro