Australian hacker naharang ng BI sa NAIA

Australian hacker naharang ng BI sa NAIA

December 27, 2022 @ 1:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Australian hacker makaraang tangkain nitong pumasok ng Pilipinas.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, hinarang at pinagbawalang pumasok sa bansa ng Border Control and Enforcement Unit (BCIU) ng nasabing ahensiya ng gobyerno ang nasabat na si Risteski Borche, 40, sakay ng isang Cebu Pacific flight mula Sydney sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 noong Disyembre 21.

Si Risteski ay isang Australian na origin ng Macedonian, ay kabilangh sa Interpol alert.

Nabatid na si Risteski ay wanted sa Macedonia dahil sa hindi awtorisadong pagmamanipula nito sa computer system, na isang paglabag sa Article 251 ng criminal code sa Republika ng Macedonia. Dahil dito, nahaharap sa apat na taon na pagkabilanggo si Risteski sa nasabing bansa.

Dahil sa kinakaharap na kaso ng nasbaing dayuhan, pinagbawalan siyang pumasok ng bansa at kasama ang kanyang pangalan sa BI’s blacklist. JAY Reyes