Manila, Philippines – Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Australian professor na papasok ng bansa dahil sa alegasyong siya ay sumasali sa mga rally sa bansa.
Kinilala ang propesor na si Gill Hale Boehringer, 84-anyos, na dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 mula sa Guanhzhou, China kahapon.
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Krizia Sandoval, si Boehringer ay pinagbawalang pumasok sa bansa makaraang makatanggap ang BI ng rekomendasyon ng blacklisting mula sa government intelligence sources.
Sa ulat, si Boehringer ay sumasali sa rally noong November 2015 kung saan malinaw na siya lumabag sa BI Operations Order na nagbabawal sa mga dayuhan na masangkot sa mga political activities sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden