Automated Fare Collection System ikinasa na ng DOTr

Automated Fare Collection System ikinasa na ng DOTr

September 2, 2022 @ 8:57 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Department of Transportation (DOTr) at Land Bank of the Philippines (Landbank) ang pilot test hinggil sa paggamit ng EMV-compliant prepaid, debit, at credit cards para sa cashless payment sa public transport.

Ang EMV cards ay prepaid, debit o credit cards na may “embedded microchip designed” para sa ligtas na pagbabayad at compatible point-of-sale terminals.

Pinangalan ito sa founders na Europay, MasterCard, and Visa.

Ang proyektong ito, tinawag na “Automated Fare Collection System (AFCS) EMV Contactless Pilot Production Testing”, ay sinimulan sa isang seremonya sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) kung saan lumagda sa isang memorandum of agreement ang DOTr, Landbank, at Bangko Sentral ng Pilipinas.

Bahagi rin ito ng isinasagawang Automated Fare Collection System National Standards (AFCS NS) ng DOTr na siyang magbibigay daan upang maging interoperable, convenient, at mas maraming option ng pagbabayad sa araw-araw na byahe.

Higit pa, ang proyekto ay isang inisyatiba sa ilalim ng Philippine Interoperable Automated Fare Collection System (PIAFCS) Project, at siya ring alinsunod sa Omnibus Franchising Guidelines (OFG) ng PUV Modernization Program (PUVMP) na kung saan ang bawat modernong pampublikong sasakyan ay dapat mayroong Automated Fare Collection System (AFCS).

Tinatayang may kabuuang 150 modern jeepney sa ilang piling pilot sites sa National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon, at Metro Cebu ang tatanggap ng bayad mula sa Landbank prepaid at credit contactless cards para sa unang buwan ng programa. Kris Jose