Automatic suspension ng excise tax sa gas, diesel muling inihain ni Poe

Automatic suspension ng excise tax sa gas, diesel muling inihain ni Poe

July 7, 2022 @ 4:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Muling inihain ni Senator Grace Poe ang panukalang naglalayon na amyendahan ang National Internal Revenue Code (NIRC) at pagbibigay ng alituntunin sa automatic suspension ng excise tax sa gasolina at diesel.

Muling inihain ng mambabatas ang panukala sa 19th Congress dahil hindi na natalakay ang panukalang inihain niya noong Nobyembre 2021.

Sa ilalim ng kanyang panukala, ang koleksyon ng excise taxes sa gasolina at diesel ay awtomatikong sususpendihin kapag ang average Dubai crude oil prices base sa Mean of Platts Singapore ay lumampas sa $80 kada barrel sa loob ng tatlong buwan.

Ayon kay Poe, ang suspensyon ng excise tax ay agad na makapagpapababa ng presyo ng gasolina ng P10 kada litro at P6 kada litro sa diesel.

“Taking off P6 from the price of diesel per liter during critical times can help our drivers ply their routes again. At the same time, it will lower the cost of transporting goods,” sabi niya.

Ang datos mula sa Philippine Statistics Authority, na lumobo ang inflation sa 17 rehiyon sa bansa at iba pang lugar sa labas ng Metro Manila ang naging batayan ng senador.

“The wheels of the economy can go faster if public transport is able to move people to work or buy goods and essentials that they can afford,” giit ni Poe.

“If the government can afford to lose P251 billion to benefit big companies under the Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act in the first two years, why can’t it do the same for our public utility drivers, delivery riders, and ordinary workers who bear the brunt of higher transport costs?” aniya. RNT/SA