Autopsy findings sa nasawing NDF consultant ‘di pa tapos – Fortun

Autopsy findings sa nasawing NDF consultant ‘di pa tapos – Fortun

December 7, 2022 @ 6:51 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun nitong Miyerkules, Disyembre 7 na hindi pa tapos at kasalukuyan pang inaanalisa ang autopsy findings sa bangkay ng nasawing National Democratic Front consultant na si Ericson Acosta.

“Still analyzing the case findings,” sinabi ni Fortun sa panayam ng GMA.

Aniya, isinagawa nito ang autopsy kay Acosta nitong Lunes, Disyembre 5 bilang tugon sa hiling ng pamilya nito.

“It is the request of the family kasi marami pang victims ito, so the family wants to know what happened with the body,” sinabi naman ni Atty. Luchi Perez sa panayam nitong Martes.

“We will not put the matter to rest and we will proceed with any legal action concerning the matter,” dagdag pa niya.

Ayon naman kay Philippine Army spokesperson Colonel Xerxes Trinidad, iginagalang nila ang desisyon ng pamilya ni Acosta.

“We respect their rights as well as with the rights of every Filipinos that we have sworn to protect from all kinds of threats,” ani Trinidad.

Matatandaan na napatay sa isang military operation si Acosta at isa pang organizer sa Kabankalan City, Negros Occidental, sa ulat ni NDF-Negros spokesperson Ka Bayani Obrero.

Ayon kay Obrero, buhay nang dakpin ng 94th Infantry Battalion (94IB) at 47th Infantry Battalion (47IB) ng Philippine Army ang dalawa sa Barangay Camansi ng naturang bayan alas-2 ng madaling araw.

Kalaunan ay nalaman nilang si Acosta at kasamahan nito ay patay na bilang “casualties of an encounter” na tinawag ni Obrero na peke.

Agad naman itong pinasinungaligan ni Armed Forces spokesperson Colonel Medel Aguilar na nais lamang ng NDF-Negros na siraan ang AFP. RNT/JGC