Autopsy ikakasa sa 8 bangkay ng Bilibid PDLs sa susunod na linggo – BuCor

Autopsy ikakasa sa 8 bangkay ng Bilibid PDLs sa susunod na linggo – BuCor

December 2, 2022 @ 2:31 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaasahang isasailalim sa autopsy sa susunod na linggo ang walong bangkay ng mga inmates na nakatambak sa Eastern Funeral Homes.

Ito ang sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Biyernes, Disyembre 2 kung saan sa kasalukuyan ay mayroon pang 42 katawan ang nananatili sa nasabing punerarya kabilang na ang isang inmate na nasawi nitong Huwebes, Disyembre 1.

“Presently, we have only 42 bodies at Eastern. Eight of them will soon be autopsied through the ones we were talking with Dr. Fortun,” sinabi ni Ma. Cecilia Villanueva, director ng BuCor Health and Welfare Services, sa isang panayam.

“The NBI chose the bodies. They did not require autopsy for the bodies that were already autopsied,” dagdag pa niya.

Ayon kay Villanueva, karamihan sa mga bangkay ay namatay noong Oktubre.

“Dra. Fortun is requesting for more recent deaths to be autopsied and they are the ones… and they died October,” sinabi nito.

“By next week because we are just processing the papers and by next week we will be sending them to UP,” dagdag na pahayag ng opisyal.

Samantala, nang tanungin naman kung pinayagan ito ng pamilya ng mga bangkay, nagbigay na ng direktiba ang Department of Justice sa BuCor na isagawa ang naturang autopsy.

“The DOJ has given a directive giving authority to BuCor that the bodies be autopsied and most of them are unclaimed bodies,” ani Villanueva.

Matatandaan na mula pa noong nakaraang linggo ay nasa kabuuang 140 PDLs na mula sa 176 na mga bangkay sa Eastern Funeral Homes ang nailibing na.

Ang nasabing punerarya ang kaisa-isang akreditado ng Bureau of Corrections. RNT/JGC