Auxiliary bishop ng Antipolo diocese, itinalaga ni Pope Francis

Auxiliary bishop ng Antipolo diocese, itinalaga ni Pope Francis

July 11, 2018 @ 12:00 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Matapos ang 35-taon ay may itinalaga na si Pope Francis na auxiliary bishop ng Antipolo Diocese.

Inianunsyo ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kahapon ang pagtatalaga ni Pope Francis kay Fr. Nolly Buco, 54, para sa nasabing posisyon.

Bago naitalaga sa naturang pwesto, si Buco ay nagsisilbi bilang parish priest ng Our Lady of Light Parish sa Cainta, Rizal.

May 24 na taon na ngayong pari si Buco, matapos na maordinahan noong Oktubre 18, 1993.

Nakatapos siya ng Philosophy sa Sacred Heart Seminary sa Palo, Leyte at ng Theology sa Immaculate Conception Major Seminary sa Guiguinto, Bulacan.

Nakatapos rin siya ng Doctorate in Canon Law sa University of Santo Tomas sa Manila noong 2004, at dumalo ng PhD program in Anthropology sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City, sa pagitan ng 2002 at 2003.

Wala pa namang inianunsyong petsa ang CBCP kung kailan pormal na manunungkulan sa kanyang bagong posisyon si Buco. Macs Borja