Ava, hindi nag-plaster, palaban kay Raymond!

Ava, hindi nag-plaster, palaban kay Raymond!

August 22, 2022 @ 12:00 PM 1 month ago


Ilang mga barako na rin ang naka-love scene ni Ava Mendez sa kanyang mga pelikula sa Vivamax.

Katunayan, kapag may mga eksena raw siya ng pakikipagtalik sa opposite sex, nagpa-plaster daw talaga siya lalo na’t hindi niya kilala ang guy bilang proteksyon.

Pero sa kaso raw ng co-star niyang si Raymond Bagatsing sa “The Escort Wife”, hindi siya nag-plaster.

Naniniwala kasi siyang maibibigay niya ng natural ang elya na kailangan sa ganoon kaselang eksena kapag walang sagabal sa kanilang dalawa ng kaeksena.

Aniya, noong una raw ay medyo nag-alala siya dahil baka ma-misinterpret ng actor ang kanyang pagiging palaban.

Gayunpaman, namagitan naman ang kanilang director na si Paul Basinillo at naipaliwanag nito kay Raymond kung bakit ganoon ang hirit niya.

Sey pa niya, na-excite rin daw siyang makatrabaho ang magaling at award-winning actor dahil aware siyang marami siyang matututunan dito.

Besides, sobra raw ang kumpiyansa niya kay Raymond dahil sa pagiging propesyonal nito na inalalayan siya throughout their lovemaking scenes.

Bukod sa romansahan nila ni Raymond, may girl-to-girl scenes din si Ava sa co-star na si Janelle Tee.

Palabas na sa Vivamax simula sa Setyembre 16 ang “The Escort Wife” na isinulat at iprinudyus ng award-winning director na si Yam Laranas at idinirehe ng pamosong concert at events director na si Paul Basinillo. Archie Liao