Ava Mendez, bet subukan ang wild sex!

Ava Mendez, bet subukan ang wild sex!

March 8, 2023 @ 2:30 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Mainit na pinag-usapan ang kakaibang klase ng sex sa mediacon ng pelikulang Domme ng Vivamax. Ang domme ay isang klase ng sexual act kung saan dino-dominate ng female partner ang male partner. Kadalasan, may gamit na props ang mga involve gaya ng latigo o kandila.

Ang Domme ang magsisilbing launching movie ng Vivamax sex nymphet na si Ava Mendez.

Willing ba si Ava na subukan ang pagiging dominante sa isang sexual act kasama ang kapartner? Willing ba siyang mag-try gumamit ng latigo kung sakali?

“Yes, willing akong i-try ang pagiging dominating para may bago. Bakit naman hindi.

“Game ako sa pagiging domme kasi adventurous ako, gusto ko talaga i-try lalo na if may mag-introduce sa akin. Curious ako kung paano ginagawa,” sabi pa ni Ava.

Matindi ang role ni Ava sa Domme. Dito, gagampanan ni Ava ang isang daring at challenging role na professional dominatrix, isang bayarang babae na trabahong maging dominante sa BDSM activities.

Ang Domme ay Vivamax Original Movie at kasama ni Ava sina Ali Asistio, Marco Gomez, Ada Hermosa at Mark Anthony Fernandez.

“Nag-research ako sa role. And ang mahalaga, nag-enjoy ako sa role ko bilang isang dominatrix,” kwento pa ni Ava.

Ang Domme ay dinirehe ng tinaguriang Cult Director na si Roman Perez Jr.

Streaming na ang pelikula sa Vivamax on March 17, 2023. JP Ignacio