Average life expectancy sa PH, 71 taon – World Bank

Average life expectancy sa PH, 71 taon – World Bank

November 23, 2022 @ 10:02 AM 6 days ago


MANILA, Philippines – Lumapag sa pagitan ng 132 at 144 na pwesto mula sa 200 bansa at teritoryo ang Pilipinas sa may pinakamahabang average life expenctancy ayon sa pag-aaral ng World Bank.

Sa datos, nitong 2020 sa kasagsagan ng COVID-19 pandemicay nasa 71-anyos ang average life expectancy ng mga Filipino na mas mababa sa global average na 73.

Pinakamataas sa naturang pag-aaral ang average life expectancy sa Hong Kong at Japan na 85-anyos samantala pinakamababa naman ang sa Central African Republic sa 54-anyos.

Ngayong taon, ang average life expectancy sa mga lalaking Pinoy ay 71 taong gulang at 78-anyos naman sa mga babae. RNT/JGC