Aviation industry lalago sa administrasyong Marcos

Aviation industry lalago sa administrasyong Marcos

October 21, 2022 @ 6:51 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Maraming mga dayuhang negosyante ang nagpahayag ng kanilang interes na mamuhunan sa aviation at engineering companies sa Pilipinas sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa isang press briefing, binigyang diin ni Atty. Manolito Manalo ng Ocampo, Manalo, Valdez, Lim Law Office ang pangangailangan ng ‘whole nation approach’ upang ihanda ang air at sea freight industry sa paglago ng naturang aktibidad.

Tinukoy ang pangangailangan na maglagay ng bagong paliparan bilang karagdagan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Maynila.

Sinabi ni Atty. Carlos T. Ocampo na habang mahirap tukuyin ang bilis ng inaasahang pagyabong ng aviation industry, may ilang foreign firms at entities ang patuloy na nagpahayag ng kanilang interes.

“We continue to have numerous inquiries from foreign businesses asking how to set up in the Philippines,” wika nito sabay sabing “At no time during the pandemic, was there a contraction of their business.”

Idinagdag pa niya na ang muling pagbuhay sa leisure travel sa bansa ay kabilang sa pangunahing dahilan para sumipa ang airlines business.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Atty. Juan Victor Valdez na ang kasalukuyang paliparan sa Maynila ay limitado sa single runway na may limitadong potensiyal na palawigin ito dahil na rin sa mga nakapaligid na istruktura at establisyimento dito.

“The shipments are brought into Manila but end up having to travel the length of Manila to get to their final destination outside Manila,” ayon kay Manalo.

“There is a need for a reworked transport system that would integrate railways, seaports and airports to accommodate the anticipated growth of business activities in the next few years,” dagdag niya.

Aniya, nakikita nila ang malaking potensiyal para sa flight training schools at allied businesses sa bansa.

”The job creation (potential) is fantastic. Filipino ground crews are presently in demand much like our seamen,” wika ni Manalo.

“Innovations and the efficiency of local arms of international airlines in aircraft maintenance are also fast gaining ground,” ayon naman kay Ocampo. Kris Jose