Away sa lupa tinitingnan ng PTFoMS sa Malabanan slay — Palace exec

Away sa lupa tinitingnan ng PTFoMS sa Malabanan slay — Palace exec

December 11, 2021 @ 2:43 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Tinitingnan na ang anggulong awayan sa lupa ang nasa likod ng pagpaslang sa mamamahayag na si Jess Malabanan, ayon sa Presidential Task Force on Media Security.

“In fact, gusto na niyang mag-retire rito, at umuwi sa Samar dahil gusto na niyang mag-farming. Isa po ‘yun sa tinitingnan natin, itong kaniyang panibagong career, ika nga,” ani PTFoMS executive director Undersecretary Joel Sy Egco sa Laging Handa briefing.

“Sinisilip po natin ‘yang mga usaping lupa, baka may nakaaway siya roon. At doon po tayo nakasentro ngayon, doon sa lugar kung saan siya pinaslang.”

Binaril si Malabanan sa Calbayog City noong Miyerkoles ng gabi. RNT/FGDC