Away sa lupa tinitingnan sa Malabanan slay

Away sa lupa tinitingnan sa Malabanan slay

December 13, 2021 @ 12:50 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Tinitingnang motibo ang away sa lupa sa pagpatay sa mamamahayag na si Jess Malabanan sa Samar, ayon sa Philippine National Police.

Ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos, tinitingnan na ng PNP kung ang kanyang trabaho ay may kinalaman sa naturang kaso.

“Additionally may person of interest na sila because of that angle.”

Nauna nang binuo ng pamunuan ang Special Investigation Task Group para tutukan ang krimen.

“The PNP through our regional director we condemned the killing of Jess Malabanan being a member of the media and again during the investigation we look at the motive.” RNT/FGDC