Away sa pagitan ng Barretto Clan, matatapos na ba?

Away sa pagitan ng Barretto Clan, matatapos na ba?

June 17, 2018 @ 2:38 PM 4 years ago


Gulat na gulat ang mga netizens matapos makita ang post ng anak ni Gretchen Barretto na si Dominique Cojuangco at ni Claudine Barretto sa Instagram para sa isang fashion magazine.

Ang post ni Dominique ay may caption na “Mega” na naka-tag kay Claudine, hindi napigilan ng mga fans ang kanilang sarili upang ipahayag ang kanilang pagkatuwa sa muling pagsasama ng Barretto Clan.

Samantala, sa ipinost din ni Clausdine ang parehong picture na may caption na “My Heart” at naka-tag rin si Dominique.

Limang taon na rin matapos ang isyu sa pagitan ni Claudine at ng kaniyang mga kapatid lalo na sa ina ni Dominique na si Gretchen.

Matatandaan na nag-sorry na si Claudine sa kaniyang kapatid na si Marjorie at close na close na ngayon sa mga anak nito na sina Dani,Julia, Claudia at Leon.

Umaasa ang mga fans na ang pagtatagpong ito ng dalawa ay siyang magiging hudyat ng pagtatapos ng alitan sa Barretto Clan. (Remate News Team)