Away sa persona non-grata tarpaulin umaapoy; hindi ako duwag – Parlade

Away sa persona non-grata tarpaulin umaapoy; hindi ako duwag – Parlade

October 26, 2020 @ 3:46 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Makaraang pagbabaklasin ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang teritoryo ang mga tarpaulin na nagsasabing Persona Non-Grata ang CPP-NDF-NPA sa Metro Manila, sinabi naman ni Cavite Governor Jonvic Remulla na agad niyang ipababaklas ang ganitong tarpaulin kung iwawagayway sa kanyang lalawigan.

Inakusahan ni Remulla sa social media si General Parlade na nasa likod ng naglipanang nasabing mga tarpaulin na nakita sa sa Maynila at ilan sa mga ito ang nakita sa Maynila.

Agad namang dumipensa si Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. at tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at sinabing hindi siya ang nasa likod ng mga tarpaulin.

Mariing sinabi ni Parlade na kung siya ang may gawa ng tarpaulin, ilalagay nito mismo ang kanyang pangalan.

“Hindi ako duwag,” sabay sabi ng heneral.

Paliwanag ng heneral, maaaring gawa ito ng iba na nauugnayan nila at nakikiisa sa pakikibaka laban sa mga komunista.

Nauna rito, sinabi ng Philippine National Police na ang NTF-ECLAC ang nagsabit ng nasabing mga tarpaulin.

Makaraan naman pagtatanggalin ang mga tarpaulin ni Domagoso, idinepensa naman ni Interior Secretary Eduardo Año ang pagkakaroon ng katulad na tarpaulin upang tuloy-tuloy umanong mailantad ang kabulukan at bayolenteng mga komunista.

Katwiran ni anyo, may 60 na 81 lalawigan ang nagdeklara ng persona non grata sa mga komunistang grupo, kasama ang 96 lungsod, 1,204 munisipyo at 18,698 barangay sa buong bansa.

Uminit at lumiyab ang kontrobersya ukol sa mga komunista lalo nang akusahan si Parlade na tinatatakan ng pulahan o nire-red tag ng heneral si aktres Liza Soberano na agad namang tumanggi sa akusasyon. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...