AWOL na parak niratrat ng naka-SUV

AWOL na parak niratrat ng naka-SUV

January 26, 2022 @ 6:56 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Patay ang isa umanong AWOL na pulis matapos pagbabarilin ng tatlong kalalakihan sakay ng isang van sa Tondo, Maynila Martes ng gabi.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, kinilala ang biktima na si Richard Ramos ,44,may-live-in partner  at huling nakatira sa  84 San Ignacio St., kanto ng J,P Rizal St. Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon, sakay ng kulay dark green na van na may plakang ZNU 201 ang tatlong hindi nakilalang suspek nang mangyari ang insidente.

Nauna rito, nag-iinuman umano ang biktima kasam ang kanyang kapatid na si Harold Ramos nang sumulpot ang sasakyan ng mga suspek .

Pagsapit sa lugar, bumaba ang mga suspek na armado na ng ‘di nabatid na kalibre ng baril saka pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nang maisakatuparan ang kanilang pakay, mabilis na umalis sa lugar ang mga suspek at muling sumakay sa kanilang kotse at tumakas sa direksyon ng Road 10.

Narekober naman sa pinangyarihan ng insidente ang mga basyo ng iba’t ibang bala ng baril.

Ayon kay MPD Spokesperson Major Philipp Ines, inaalam pa ang ranggo o posisyon ng biktima  dahil inaantay pa aniya ang certificate mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Patuloy din ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaril sa biktima. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)