AWOL na pulis at dalawa pa, timbog sa droga

AWOL na pulis at dalawa pa, timbog sa droga

July 8, 2018 @ 4:08 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Binitbit ng mga awtoridad ng Manila Police District  ang isa umanong Absent without Leave na pulis at dalawa pa nitong kasamahan, makaraan umanong mahulihan ng 19 na pakete ng shabu habang nagka-Cara y Cruz sa Quiapo, Manila, kanina (July 8).

Kinilala ang mga suspek na sina Ronald Prado, 40, dating miyembro ng Philippine National Police (PNP);  at residente ng 1858 Oroquieta St, Sta. Cruz ;  Elezar Berongan, 35, dance instructor, ng 832 Oroquieta St; at Joanne de Leon, 41, ng 304 Pureza Street, Sta. Mesa, Manila.

Base sa ulat na nakarating kay P/Supt. Julius Ceasar Domingo, Station Commander ng MPD-Sta.Cruz Police Station 3, bandang  1:30 ng hapon, nang mamataang  nagsusugal ng Cara’y Cruz ang tatlo sa kalye ng Carlos Palanca St., sa panulukan ng  Basan St, sa Quiapo.

Nagsasagawa umano ng Simultaneous Anti-Criminality Campaign and Law Enforcement Operation (SACLEO) ang mga tauhan ni Supt. Domingo nang maaktuhan nagsusugal ang mga suspek kaya agad nila itong sinita.

Nang kapkapan ay nahulihan pa ng 19 na pakete ng shabu ang mga suspek kaya’t kaagad nang binitbit sa presinto.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal gambing at Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. [RENE CRISOSTOMO]