AWOL na pulis nahulihan ng shabu habang nagsusugal

AWOL na pulis nahulihan ng shabu habang nagsusugal

July 10, 2018 @ 7:36 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Timbog ang isang AWOL na pulis at dalawang iba pa kabilang ang isang babae matapos mahulihan ng iligal na droga habang nagsusugal sa isinagawang simultaneous anti-criminal law enforcement ng Manila Police District -Station 3.

Kinilala ni MPD-PS 3  Chief Supt. Julius Caesar Domingo  ang mga suspek na sina PO1 Ronald Prado, Joan de Leon at Elezar Borongan.

Ayon kay Domingo, dating nakatalaga si Prado bilang pulis Pasay nang matanggal ito sa serbisyo at mag AWOL.

Nabatid na nahuli ang tatlo habang nagsusugal ng cara y cruz sa Palanca St., sa Quiapo, Maynila .

Nang kapkapan ng mga pulis amg mga suspek ay nakuha kay Prado ang 19 na sachet ng shabu dahilan para muling ibalik sa presinto hindi bilang pulis kundi isa nang detainee.

Aminado naman si Borongan sa kanyang iligal na gawain  kung saan siya ang nagbebenta ng iligal na droga dahil aniya ay upang maitawid lamang ang kanyang pamilya.

Kakasuhan ng Dangerous Drug Act ang mga suspek. (JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)