AWOL na pulis, top 4 MWP arestado ng MPD

AWOL na pulis, top 4 MWP arestado ng MPD

June 10, 2022 @ 3:40 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Binitbit ng kabaro ang isang pulis-Maynila na nag-AWOL o Absent without Leave dahil sa kasong Carnapping Huwebes ng gabi.

Kinilala ang pulis na si P/ Cpl.Richard Antonio Y Lomboy , 32-anyos, binata at dating naka-assign sa District Personnel Holding and Accounting Section( DPHAS)ng Manila Police District at residente ng 4738 Int.16 Ang Buhay St., Sta.Mesa, Manila.

Alas-9 kagabi nang posasan si Antonio sa harap ng Barangay Hall sa Brgy. 597 Zone 56 ng ika-6 na Distrito ng lungsod.

Madalas umanong nagtatambay ang AWOL na pulis sa Barangay hall kaya naman nang makakuha ng impormasyon si P/ Lt.Col. Dionelle Brannon , Commander ng MPD- Sta. Mesa Police Station 8, ay agad na tinungo ang lugar.

Natyempuhan naman ang suspek ng mga operatiba na binubuo ng mga tauhan mula sa Station Warrant and Subpoena Section at ng ilang tauhan ng NCRPO- RMFB.

Hindi na nakapalag ang suspek nang ipakita sa kanya ang warrant of arrest na inisyu ni Hon.Maria Paz Rivera Reyes- Yson , Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 54 ng Manila .

Si Antonio ay nasa top 4 na most wanted sa Station level na may nakalaang piyansang P300, 000.Republic Act 10883 (New Anti- Carnapping Law)

Dahil dito pinuri ni MPD- Director, P/ Brigadier General Leo ” Paco” Framcisco si Lt.Col Brannon at ang kanyang mga tauhan sa mabilis nitong aksyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden