Ayala Avenue bike lanes, pananatilihin ng Makati

Ayala Avenue bike lanes, pananatilihin ng Makati

February 25, 2023 @ 11:20 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hindi na gagawing shared lanes ang bike lanes sa kahabaan ng Ayala Avenue matapos magkasundo ng Ayala Land Inc. at ng #MakeItSaferMakati Movement na panatilihin ang kasalukuyang setup.

“After a series of conversations in the past two weeks, all parties agreed that it is to everyone’s benefit that Ayala Avenue remain a safe, convenient and inclusive transport corridor for all road users – including pedestrians, commuters, cyclists, and motorists,” saad sa joint statement na ipinalabas nitong Biyernes.

Bubuo rin ng technical working group na kabibilangan ng stakeholders at mga grupo para para pag-aralan at magpatupad ng mga solusyon sa mga isyu– kabilang ang bike lane widths.

Binalak ng lokal na pamahalaan ng Makati na gawing shared lanes ang bike lanes– o “sharrows”–  para makaraan ang ibang road users gaya ng public utility vehicles. Subalit, hindi ito natuloy dahil sa protesta ng mga siklista at advocates. RNT/SA