Ayana Misola, ikinumpara kay Rosanna Roces!

Ayana Misola, ikinumpara kay Rosanna Roces!

December 19, 2022 @ 11:37 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Diretsong sinabi ni Direk Adolfo Alix Jr. ng Vivamax movie na Bugso na ang bidang si Ayana Misola ay parang ang sikat na sex icon na sumikat nu’ng 90’s na si Rosanna Roces.

“Si Ayana ang pinaka-dating sa lahat ng cast ng Bugso. Para siyang si Rosanna (Roces), hindi ako nahirapan in terms of kung paano ipapaliwanag ang mga sensitive scenes.

“Para siyang batang si Osang,” sabi pa ni Direk Adolf.

Narinig ni Ayana ang sinabi na ‘yun ni Direk kaya naman agad din siyang nag-react.

“Younger version ni Osang? Nakaka-proud naman kasi sobrang idol ko si Osang,” sabi ni Ayana.

Kasama din ni Ayana sa movie si Sid Lucero at ang newbie na si Hershie de Leon.

Asahan na ang maraming emosyonal na tagpo at nag-aalab na sex scenes sa Bugso lalo’t sina Ayana at Hershie ang tinuturing na mga hottest stars sa Vivamax sa ngayon.

Kakaiba ang movie dahil tinatalakay dito ang ibang klaseng sex workers kung saan nagro-role play sila depende sa gusto ng client.

“Hindi na ako nagulat sa role ko. Marami akong natutunan na positions na puwede kong magamit in real life,” sabi pa ni Ayana na hindi malaman kung nagbibiro o ano.

Talking about positions, aminado naman si Herehoe na pinaka-nahirapan siya sa sex position na nasa ilalim siya, nasa ibabaw naman si Sid at si Ayana ay nasa gilid. Threesome kasi ang position na kinunan nila.

Ang Bugso ay streaming na sa Vivamax on December 30, 2022. JP Ignacio