Ayanna Misola, may hanash sa ‘salamat dok’ beauties!

Ayanna Misola, may hanash sa ‘salamat dok’ beauties!

February 26, 2023 @ 7:50 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Hindi nakaiwas ang Vivamax sex nymphet na si Ayanna Misola na kunin ang kanyang comment tungkol sa mga taong ‘nagpapasalamat po, dok’ o nagpapa-enhance ng kanilang katawan o mukha.

Ang term na ‘salamat po, dok’ ay ginagamit kapag ang isang tao ay may ipinaayos sa kanyang katawan o mukha sa isang syrgeon o doktor.

‘Yun kasi ang naging sentro ng usapan sa naganap na Zoom mediacon para sa pinakabagong Vivamax movie na “Salamat Daks”.

Ang sabi pa nga, kung kaya mong bigyan ng makeover ang buhay mo, gagawin mo ba? O wala kang gugustuhing baguhin at hahayaan mo lang na makita at mahalin ng ibang tao ang totoong ikaw?

“Ako, sobrang open minded ako pagdating sa pagpapa-enhance pero wala pa akong napapagawa sa sarili ko. Lahat ng nakikita niyo natural and original.

“Pero favorite ko panooron ang Kardashians, tapos lahat sila nagpa-enhance ng kanilang katawan. Wala namang masama doon as long as makaktulong sa yon kasi lahat naman tayo, may hinahanap na fulfillment sa sarili natin,” sabi pa niya.

Ngunit may kasunod na babala si Ayanna sa mga nagpapagawa ng latawan o mukha.

“Basta wag lang sanang maging mean girl kapag nagkaroon na ng enhancement at kapag umayos na. At saka sana, may satisfaction kasi yung iba ayaw tumigil hangga’t hindi nasisira sa sobrang enhancement,” sabi pa niya.

Sa pelikulang Salamat Daks ay kasama ni Ayanna si Alma Moreno na nagpa-enhance ng katawan at mukha upang maging mukhang sariwa at bata.

Kwento ‘yun ng isang middle-aged woman na gagawin ang lahat para mas maging exciting ang buhay.

Bukod sa enhancement ay napag-usapan din sa mediacon kung importante ba sa kanya ang size ng ‘ari’ ng kapartner. Ang salitang ‘daks’ kasi na kasama sa title ng kanyang pelikulang Salamat Daks ay nangangahulugang well-endowed ang isang lalaki.

“For me size doesn’t matter lalo na kung totoong love ko ‘yung lalaki. Kasi ‘di ba, kung may na-meet ka naman na guy, hindi naman ‘yung size ng kanyang ari ang itatanong mo.

“Saka nasa performance ‘yan. Aanhin mo yung daks kung tamad naman siya,” pag-explain pa ni Ayanna.

Bukod kay Ayanna at Alma ay kasama rin nila sa pelikula sina Nikko Natividad, Giselle Sanchez, Andrew Muhlach, Bob Jbeili, Shiena Yu, at Millen Gal. Ito ay dinirehe ni Bobby Bonifacio Jr., and streaming na sa Vivamax on March 10, 2023. JP Ignacio