Ayanna Misola, muntik nang ipadampot ng mayor!

Ayanna Misola, muntik nang ipadampot ng mayor!

May 12, 2022 @ 7:20 PM 2 months ago


MINDORO, Philippines – Hala! Muntik na palang ipahuli at ipadampot ng mayor ng Pandan Island, Mindoro, ang Vivamax artist na si Ayanna Misola.

Paano ba naman, habang nagso-shooting sila sa isla ng pelikulang Putahe ay mag nagreport na nangingisda raw ang kanilang grupo sa isang DENR marine protected area.

Pero ayon naman sa direktor na si Roman Perez Jr., nakipagusap ang kanilang grupo sa mayor nang ipinatawag sila at pinagpaliwanag. Mabuti na lang at naayos ang problema at natapos ang shooting nang matiwasay.

“Iba kasi ang Pandan Island. Talagang mapi-feel mo na islander ka. Walang kuryente, walang    available na drinking water, walang cellphone dahil walang signal at wala ring aircon, hahaha! Workation talaga ang nangyari sa anin but I enjoyed it especially sa buong buhay ko, first time kong nakapag-beach,” pag-amin pa ni Ayanna na marami ang hindi makapaniwala.

Anyway, matindi ang F-to-F love scnee nilang dalawa ng dating Ms Earth na si Janelle Tee sa Putahe. Aminado silang dalawa na nagkaka-ilangan sila nu’ng una pero natapos din ng maayos ang eksena.

“Nahihiya nga ako kasi walang tubig so, gusto ko prepared sana ako bago sa love scene namin ni Janelle,” sabi ni Ayanna.

Mapapanood na ang Putahe sa Vivamax simula May 13, 2022. JP Ignacio