Ayanna Misola, nanood ng porno, nakaramdam ng pleasure!

Ayanna Misola, nanood ng porno, nakaramdam ng pleasure!

October 20, 2021 @ 6:11 PM 3 months ago


Manila, Philippines – Sasabak sa pagpapa-sexy ang newcomer na si Ayanna Misola. Ito’y via Direk Darryl Yap’s Pornstar 2 na hatid ng VIVA Films at VinCentiments, at very soon ay mapapanood sa Vivamax.

Si Ayanna ay 19 years old, alaga siya ni Jojo Veloso, at aminadong bata pa lang ay wish na niyang maging artista. Kaya labis ang pasasalamat niya nang pumirma ng kontrata sa Viva.

Wika ni Ayanna, “Actually kaka-sign ko lang po sa Viva last month. Super grateful ko po talaga na naging part ako ng Viva family, kasi hindi naman po lahat nabibigyan ng ganitong chance, lalo na sa gitna ng pandemya.

“Imagine, kaka-sign ko lang po pero nabigyan na agad ako ng movie kasama ang mga legends when it comes to sexy films na sina Ate Ara Mina, Ate Maui (Taylor), Mommy Osang (Rosanna Roces) and Tita Alma (Moreno). I feel so blessed, I feel so blessed na nakatrabaho ko silang apat.”

Dagdag pa niya, “First Movie ko po itong Pornstar2 ni Direk Darryl Yap, kaya super mixed emotions po talaga ako ngayon. Excited na kinakabahan na ako sa magiging reaction ng mga viewers, pero hopefully ay magustuhan nila kung ano man po ang ipinakita ko roon.”

Ano ang role niya sa Pornstar 2?

“Ako po ay gaganap bilang si Trinidad (Trina), 19 years old, rich kid at isa po ako sa mga nangangarap na maging pornstar.”

Gaano siya ka-sexy sa film?

“I think ‘yung mga viewers na lang po ang makakasagot niyan. Basta ako po, ibinigay ko ang best ko, isa na po dyan ang breast exposure,” tugon niya.

Inusisa rin namin ang dalaga kung nakapanood na ba siya ng porn?

“Yes po. Tao lang din naman ako. Hehehe!” nakatawamg sagot ni Ayanna.

Ilang taon siya nang unang nakapanood ng porn at ano ang naramdaman niya?

“13 years old, hahaha!” bulalas niya. “Wala akong kasama nang nanood ako, hahaha!”

Pagpapatuloy pa ni Ayanna, “Ano’ng naramdaman ko? Na-curious lang po ako sa nararamdaman nila, hindi naman ako na-excite, kasi kinakabahan ako noong pinapanood ‘yon, eh. Kasi alam kong bawal sa bata, hahaha! Pero sa palagay ko, nakaramdam ako ng pleasure.”

So, nag-enjoy siya sa napanood na porn kahit 13 anyos pa lang siya?

“Hindi ko po talaga alam paano i-explain, pero I felt good after watching porn, ganern,” pabungisngis na saad pa niya.

Ang mga kasamang newbies ni Ayanna sa Pornstar 2 ay sina Cara Gonzales, Sab Aggabao, at Stephanie Raz. Nonie Nicasio