Ayssa hindi sasailalim sa operasyon

Ayssa hindi sasailalim sa operasyon

December 8, 2022 @ 9:48 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi sasailalim si Creamline  star Alyssa Valdez sa anumang operasyon para sa kanang tuhod matapos ma-injured sa Game Two ng PVL Reinforced Conference battle para sa bronze laban kay Chery Tiggo noong Huwebes ng hapon.

Sa ginawang MRI sa tuhod ni Alyssa, lumabas na walang malaking pinsala na nangangailangan ng operasyon.

Ayon sa Creamline, nangangailangan lamang ng rehabilitasyon ang dating Ateneo standout at ilang linggong pahinga ayon sa payo ng mga doktor.

Bagama’t walang opisyal na pagsusuri na ibinigay, tiniyak ng management sa mga fans na si Valdez ay bibigyan ng “pinakamahusay na posibleng pangangalaga at paggamot para sa kanya upang bumalik nang mas malakas sa takdang panahon.”

Matapos sagipin ang bola sa ikatlong set ng laban kontra Chery Tiggo, nauntog ni Valdez ang kanyang kanang tuhod at napapangiwi siya sa sakit nang ilabas siya sa court.

Isinugod siya sa ospital para sa isang MRI procedure kaya wala na siya sa court para tumanggap ng kanyang Best Open Spiker award.

Ang kanyang kakampi na si Ella De Jesus ang tumanggap ng parangal sa ngalan niya.

Tinapos ng Cool Smashers ang kanilang 2022 season na may dalawang championship sa Open and Invitational Conference, at isang bronze finish sa Reinforced Conference.JC