Ayuda palit-bakuna sa BARMM, ikakasa

Ayuda palit-bakuna sa BARMM, ikakasa

February 24, 2022 @ 7:54 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nakaisip na ang gobyerno ng paraan para maresolba ang malalang COVID-19 vaccine hesitancy sa Bangsamoro region, ayon sa Department of Health.

Tinukoy ng DOH na isa sa kanilang naisip ay ang ang sitemang pagbibigay ng ayuda kapalit ng pagbabakuna laban sa COVID.

Dagdag pa ng DOH na may limang hamon na kinahaharap sa pagbabakuna sa rehiyon tulad ng vaccine hesitancy, limitadong manpower, fake news, late submission ng daily vaccination reports, at ang malabnaw na suporta mula mismo sa mga local chief executive at barangay local government units (BLGU) sa nasabing rehiyon.

“In response to these challenges, the government proposes to conduct Suyod activities, information caravan, dialogue with refusal clients, provision of ‘ayuda’ to be vaccinated; and radio plugging,” sabi ng DOH.

Palalakasin din sa rehiyon ang paglaban kontra sa mga pekeng vaccination cards sa pamamagitan ng pagsisiyasat sa mga ikinakasang random checkpoint sa rehiyon.

Hinihiling na rin ng DOH ang tulong ng mga alkalde at barangay official para malabanan ang vaccine hesitancy.

“Further, the health authorities in BARMM assured the Islamic community that COVID-19 Vaccines is certified by the Philippine Halal Certification Board as “Halal” or permissible to the Islam faith,” ayon pa sa kagawaran.

“This was attested by the National Commission on Muslim Filipinos at the onset of vaccination drive in the country,” ayon pa sa DOH. RNT