Ayuda sa biglaang-MECQ, malabo – Dominguez

Ayuda sa biglaang-MECQ, malabo – Dominguez

August 6, 2020 @ 5:59 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inamin ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na hindi nakapaglaan ang pamahalaan ng pondo para sa ayuda ng mga apektado ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at ilan pang probinsya.

Ayon kay Dominguez, walang nailaan para sa third round ng cash subsidies para sa maaapektuhang sektor sa dalawang Linggong lockdown.

“It was not anticipated and it’s not in the budget,” ani Dominguez.

Sa kabila nito, inihayag naman ng kalihim na susubukan nilang isama ito sa Bayanihan 2 bill.

Nito lamang Miyerkoles, Agosto 5 ay inaprubahan na ng Kamara ang ikalawang pagbasa ng bersyon ng Bayanihan to Recover as Once Act kung saan aabot sa P162 billion pondo ang ilalaan para sa coronavirus disease-2019 o COVID-19 response at muling buhayin ang ekonomiya.

Katulad ng unang Bayanihan Law, inaasahang mamamahagi rin ng cash subsidy ang nasabing batas na nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P8,000 sa mga pamilyang apektado ng nasabing sakit. RNT/ LF


  •  
  •  
  •  

Loading...