Ayuda sa cholera outbreak sa Haiti ipinanawagan ng UN

Ayuda sa cholera outbreak sa Haiti ipinanawagan ng UN

December 9, 2022 @ 12:25 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nanawagan nitong Huwebes, Disyembre 8 ang United Nations na makalikom ng milyong dolyar na ayuda upang labanan ang tumitinding outbreak sa cholera sa Haiti na kumitil na ng mahigit 300 katao.

Ayon kay Ulrika Richardson, UN humanitarian coordinator sa nasabing bansa, nasa $23.5 milyon lamang ng $145 milyon na flash appeal ang nalikom.

“Cases continue and you have now 283 people that died from the illness, and we also have close to 12,000 people that have been hospitalised” sinabi ni Richardson.

Nakakapag-alala na rin ang pagkalat ng naturang epidemya sa walong rehiyon ng Haiti.

Hanggang sa kalagitnaan ng Nobyembre, umabot na sa 161 ang cholera-related deaths at 7,500 ang naospital.

“I’m really grateful for those donors who responded positively, but it’s only 16 percent of the total amount”

Sa kasalukuyan ay bumubuo na ng humanitarian response plan para sa Haiti ang UN sa susunod na taon sa kabuuang halaga na $719 milyon.

“It’s an indication of the humanitarian needs in Haiti. So it is a worrying situation. The insecurity continues to be rampant,” sinabi pa ni Richardson.

“This insecurity and the gang domination is now close to 60 percent of the entire capital,” dagdag pa nito. RNT/JGC