Ayuda sa ECQ areas siniguro ng Malakanyang

Ayuda sa ECQ areas siniguro ng Malakanyang

July 21, 2021 @ 6:57 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Siniguro ng Malakanyang na makatatanggap ng pinansyal na tulong ang mga apektadong residente sa mga lugar na isinailalim sa pinakamahigpit na community quarantine status.

“Hindi po kayo nakakalimutan ng Presidente,” sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang briefing.

“Magbibigay po sa takdang panahon ng ayuda.”

Nasa enhanced community quarantine hanggang sa katapusan ng buwan ang Iloilo province, Iloilo City, Cagayan de Oro, at Gingoog City dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Giit ni Roque na wala pang pinal na desisyon ukol sa ayuda ngunit una nang pinasiguro ni Pangulong Duterte na hindi ipatutupad ang ECQ kung hindi kayang mamahagi ng ayuda.

Naniniwala rin ito na hindi ito mas mababa sa ayudang natanggap ng mga taga-NCR Plus. RNT/ELM


  •  
  •  
  •