AYUDA SA GASOLINA, PRAYORIDAD NG TODA PARTY LIST

AYUDA SA GASOLINA, PRAYORIDAD NG TODA PARTY LIST

February 9, 2022 @ 10:36 PM 8 months ago


KASAMA sa mga isusulong ng TODA party list, numero 41 sa balota, ang pagbabalik ng implementasyon ng Oil Price Stabilization Fund (OPSF) na malaking tulong upang hindi maipasa sa mga konsyumer, katulad ng tricycle driver at operators, ang pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Magandang programa ito na pinasimulan ni dating Presidente Ferdinand Marcos na talagang sambayang Pilipino ang siyang nakinabang mula sa mga simpleng ma­mamayang ang linya ng hanapbuhay ay nasa pamamasada hanggang sa bawat tahanang kuomukonsumo ng gasolina.

Bilang bansang umaangkat lang ng produktong petrolyo, malaking pasakit sa ating mga Pi­lipino ang biglaang pagtataas ng presyo nito na magpahanggang sa ngayon ay hindi pa rin kontrolado ng gobyerno.

Kaya naman napapanahon lamang na ibalik na ang OPSF at sa tulong ng TODA party list na si­yang magtataguyod ng kapakanan at pagpapabuti sa sektor ng tatlong gulong ay magkakaroon na ito ngayon ng malaking boses sa Kongreso.

Maging ang nangungunang kandidato sa pagka-Pangulo nga¬≠yon na si dating Senador Ferdinand ‚ÄėBongbong‚Äô Marcos Jr. ay isusulong din ang pagbabalik ng OPSF.

Kaya malaking tyansa para sa TODA party list na talagang buhayin ang magandang programang ito.

Bukod sa OPSF ay iba’t ibang programa rin ang pasisimulan ng TODA party list para sa mga tricycle driver at operator, kabilang na ang pagbibigay ng payong ligal sa panahon ng pangangailangan at ang pagsisiguradong ang mga ito kay may epektibong insurance policy.

Tunay na mahalaga ang nasa­bing mga programa dahil hindi naman lingid sa ating kaalaman na ang mga tricycle driver ay ma­dalas ma­ging biktima ng mga aksidente sa kalsada kung saan naiiwanan ang kanilang mga pamilya nang walang-wala at namumulubi sa kalaunan.

Sa unang pagkakataon na magkakaroon ng kinatawan ang sektor ng tatlong gulong sa Kong­reso, tila umuusbong na rin ang pag-asang ang sektor na ito ay mabibigyan ng naaayong pansin bilang mga kabahagi ng ating lipunan na nagbibigay serbisyo sa mga ordinaryong mamamayan ng bansa.