Ayuda sa halip na pagsuspinde sa excise tax, aprub

Ayuda sa halip na pagsuspinde sa excise tax, aprub

June 24, 2022 @ 2:12 PM 6 days ago


MANILA, Philippines- Pabor si Davao City Rep Isidro Ungab sa plano ni President-elect Bongbong Marcos na mabigyan ng ayuda ang apektadong transport sector kaysa tuluyang suspindihin ang ipinapataw na excisse tax sa produktong petrolyo bilang solusyon sa nararanasang paglobo ng presyo ng langis sa global market.

“I support 100 percent PBBM’s position to provide direct assistance or ‘ayuda’ to those really affected by the rising oil prices than suspend the excise tax on fuel products.PBBM is right in saying that reducing fuel excise tax does not necessarily help those who are directly affected by the energy crisis,” paliwanag ni Ungab.

Ayon kay Ungab isusulong nya sa Kamara ang pagbibigay ng transportation cash subsidy o Transpo Ayuda sa public utility vehicle (PUV) drivers at sektor na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis partikular ang magsasaka at mangingisda.

Aniya, inaasahang tatagal pa ang problema sa mataas na presyo ng langis dahil na rin sa patuloy pa rin na tensyon sa Russia at Ukraine kaya naman ngayon pa lamang ay dapat nang magtabi ang gobyerno ng pondo para sa Transpo Ayuda.

“We acknowledge that everyone is feeling the brunt of these oil price hikes, but the ones suffering the most are those in the transport, farming, and fisheries sectors,” ani Ungab.

Ipinaliwanag ng solon na bagamat marami ang nagsusulong ng pagsuspinde ng ipinapataw na excise tax at value-added tax (VAT) para bumaba ang presyo ng langis sa lokal na pamilihan ay malaki naman ang mawawalang revenue sa pamahalaan na mas magiging malaking problema kung walang pagkukunan ng pondo para sa mga programa. Gail Mendoza