Ayuda sa mga Pinoy na nasa COVID-hit Jilin province, ikinakasa na

Ayuda sa mga Pinoy na nasa COVID-hit Jilin province, ikinakasa na

April 20, 2022 @ 7:32 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naghahanda na ngayon ang embahada ng Pilipinas sa Beijing ng aid packages na ipamamahagi sa mga Filipino sa Jilin, China na dumanas ng pagsirit ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

“The Philippine Embassy in Beijing, China, is preparing assistance to be distributed to the Filipino community in Jilin and other areas under their consular jurisdiction, ” ayon sa kalatas ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“Currently, local travel restrictions prevent the Embassy from traveling to Jilin to visit or check on the community,” dagdag na pahayag nito.

Sa kabila nito, tiniyak ng DFA na mahigpit na nakikipag-ugnayan ang embahada sa mga lider ng filipino community sa nasabing lugar.

Ang mga Filipino sa Jilin ay maaaring direktang kontakin ang embahada via email [email protected], at ang kanilang assistance-to-nationals hotline +8613911180495 para sa urgent concerns.

Sa ulat, ang Jilin province ng China ay labis na tinamaan ng outbreak nitong unang bahagi ng taon, dahilan upang pagbawalan ng lokal na awtoridad ang 24 milyong populasyon na bumiyahe papapasok at palabas ng lalawigan.

Ayon sa local reports, nagsisimula nang pagaanin ang restirksyon at ang ilang enterprises ay nagsimula nang magpatuloy ng kanilang operasyon. Kris Jose