Azi Acosta, nadonselya sa love scene!

Azi Acosta, nadonselya sa love scene!

December 7, 2022 @ 1:35 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Ang baguhang sexy star ng Vivamax na si Azi Acosta na mismo ang nagsabi na first time niya na-experience ang magpakita ng boobs at ang makipaglaplapan sa iba’t-ibang lalaki sa pelikula. ‘Yan kasi ang mga eksena sa pelikulang Pamasahe na may kakaibang twist sa dulo.

“First time ko po ‘yun at sobra akong kinabahan kaya binuhos ko na ang best ko.

“Hindi po kasi ako talaga sanay maghubad,” sabi pa ni Azi.

From there ay naikwento niya kung paano ba siya nagsimula sa pag-aartista.

“Nagsimula ako sa modeling nu’ng 16 years old pa lang ako. Then na-meet ko po si tito Jojo (Veloso). And nag-meeting kami sa Viva.

“‘Yung nagmo-model po ako, e, super conservative ako. ‘Yung tatay ko po, preacher po talaga siya. Pastor siya.

“Nu’ng naghiwalay po sila ng nanay ko, wala na po kaming contact sa isa’t isa kaya Papa, kung makarating sa inyo na may movoe ako, suportahan niyo ako,” sabi pa ni Azi na hindi malaman kung nagbibiro o ano.

Aminado rin si Azi na nahirapan siya sa love scenes.

“First time ko po kasi. Grabe. Halos naipakita ko lahat maliban sa nakaplaster. ‘Yung mga expression hindi ko masyadong gamay kaya lagi kong tinatanong si Direk (Roman Perez),” sabi pa niya.

Naging usap-usapan din ang outfit ni Azi sa naganap na private screening ng Pamasahe dahil sa sobrang daring at nakaluwa ang kanyang kaliwang dibdib. Marami ang kinakabahan dahil baka matanggal ang maliit na bilog na magtatakip sa kanyang nipple.

“‘Yung outfit ko, nanghingi lang ako ng idea sa designer ko, kay tito Migz. Gusto ko kasi ‘yung kakaiba, ‘yung magugulat sila. So sabi nila gawin, natin ‘yung mala-Rosanna Roces na outfit,” pahayag pa ni Azi.

Ganu’n din kasi ang outfit noon ni Osang na ginamit niya sa isang malaking event.

Kasama rin sa pelikulang Pamasahe sina Dominic Roco, Rash Flores at Mark Anthony Fernandez. Streaming na ang pelikula sa Vivamax. JP Ignacio