Azi Acosta, nakakita ng ‘ulo’ sa gay bar, nagulat!

Azi Acosta, nakakita ng ‘ulo’ sa gay bar, nagulat!

February 18, 2023 @ 1:05 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Dahil sa pelikulang Suki ng Vivamax ay first time na nakapunta ang sex nymphet na si Azi Acosta sa isang gay bar.

Yes, nagpunta si aazi sa 690 gay bar para mag-immerse sa pelikulang Suki, kung saan ang isang babaing nagtatrabaho sa girlie bar at na-in-love sa isang lalaki na nagtatrabaho naman sa gay bar.

“May lalaki kaming pina-upo, tinable namin para interview-hin. Mabait naman siya and mabango.

“Sa totoo lang ay first time ko nakita ng isang macho dancer, first time ko rin nakakita ng ulo ng ari ng macho dancer nung nagsayaw na.

“Hahahaha. Kulay violet ang ulo, hindi ko alam kung bakit pero hindi na ako babalik sa gay bar kung hindi naman kailangan.

“Pero hindi ko makalimutan yung ulo na kulay violet, nagulat ako,” sabi pa ni Azi.

Nagpunta rin si Azi sa isang girlie bar at gaya ng gay bar ay first time pa lang din siya nakapunta.

“Ang ini-expect ko, e, matataray o masusungit ang mga girls pero mababait pala. Siguro, sa mga experiences nila sa buhay kaya ganu’n ang aura nila, parang mataray, pero hindi naman talaga,” sabi pa ni Azi na gumanap bilang si Eba sa pelikulang Suki, isang sexy-thriller kung saan ay kasama niya newbie sexy actor na si John Flores as her leading man.

Para kay Azi, may future naman na magmahalan talaga ang babaing pokpok at lalaking pokpok sa tunay na buhay. Pero kung sakali, hindi naman willilng si Azi na i-share ang partner niya sa iba.

“Ang akin ay akin lang,” sabi pa ni Azi.

Makakasama nila sa pelikula sina Jiad Arroyo, Alona Navarro, Chad Kinis, Katya Santos at Alma Moreno. Streaming na ang pelikula on February 24, 2023 sa Vivamax. JP Ignacio