Azi Acosta, palaban sa hubaran!

Azi Acosta, palaban sa hubaran!

February 21, 2023 @ 7:07 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Kakaibang Azi Acosta Ang mapapanood sa Vivamax movie na “Suki”.

Katunayan, ayon sa sex nymphet, mas palaban daw siya sa aktingan at hubaran dahil sa kanyang role sa nasabing obra ni Albert Langitan

Inihalintulad naman ni Direk ang rawness at potensyal ni Azi sa Cannes best actress na si Jaclyn Jose noong nagsisimula pa lamang ito.

Ayon kay Azi, grabehan daw ang level ng sex scenes niya sa erotic drama kung saan ipino-portray  niya ang papel ni Eba, isang GRO na na-in love sa kapwa pokpok na si Adan, isang macho dancer sa isang club na binigyang buhay ni John Flores in his first lead role.

Sa pagpunta niya sa gay bar, madalas siyang mag-VIP at i-booking si Adan na mauuwi sa kanilang nag-aapoy na sexual encounters at eventually ay pagmamahalan.

Katunayan, sa immersion daw niya sa kanyang role, kinailangan daw niyang pasukin ang makulay ngunit malungkot na mundo ng mga prosti.

Sa pagbisita raw niya sa girlie bars, humanga raw siya sa tapang o tatag ng loob ng mga nagtatrabaho sa nabanggit na bahay aliwan lalo pa’t karamihan sa mga ito ay nagbebenta  ng aliw para matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya.

Aminado naman siyang nawindang nang pumunta siya  sa isang gay bar bilang bahagi ng pag-aaral niya sa kanyang role.

First time raw niyang makakita ng paghuhubad ng male strippers.

Hirit pa niya, ganoon daw pala ang hitsura ng kargada ng lalake na ‘pinkish’ ang kulay.

Sa “Suki”, ipinakikita ang mga pagsubok na pinagdadaanan ng dalawang nag-iibigang ‘pokpok’ dala ng mundong kanilang ginagalawan.

Streaming na sa Vivamax ang Suki simula sa Pebrero 24, kasama rin sa cast sina Jiad Arroyo, Alona Navarro, Chad Kinis, Katya Santos, Yda Manzano, Gwen Garci at Alma Moreno. Archie Liao