Azkals bigo vs Thailand

Azkals bigo vs Thailand

December 15, 2021 @ 12:31 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Hindi nakaporma ang Philippine Azkals sa katunggaling Thailand matapos silang talunin nito sa iskor na  2-1 sa ginaganap na AFF Suzuki Cup.

Unang naka-goal sa laban si Thailand striker Teerasil Dangda sa 26th minute ng laro.

Agad ring bumawi ang Azkals at naitabla ang laban sa iskor na 1-1 matapos ang free kick ni Patrick Reichelt sa 57th minuto ng laro.

Pero muling nakaiskor si Dangda sa kanilang penalty kick sa loob ng 78th minuto na naging susi sa panalo.JC