Azkals coach Cooper, bumitiw na

Azkals coach Cooper, bumitiw na

May 23, 2022 @ 11:08 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tuluyan nang bumaba sa pwesto bilang headcoach ng Philippine National Football Team Azkals si coach Scott Cooper.

Kinumpirma ito ng Philippine Football Federation (PFF) national team committee chairman Dan Palami.

Matatandaang si Cooper ay naging coach ng Azkals sa loob ng tatlong taon at nagsimula pagkatapos ng 2019 AFC Asian Cup.

“We thank coach Scott for sharing his knowledge, time, effort and making great sacrifices to our men’s national team program. We had our share of challenges handling the team and competing during the COVID-19 pandemic. During his time in charge, we were able to secure commitment from players who we believe can help us in achieving our goals,” ani Palami.

Nakatakda naming mag-anunisyo ang Azkals ng kanilang bagong coach sa mga susunod na araw.

Sasabak ang Azkals sa AFC Asian Cup Qualifiers sa Hunyo 8 hanggang 14 sa Mongolia. JC