Azkals kinapos vs Indonesia sa huling laro ni Stephan Schrock

Azkals kinapos vs Indonesia sa huling laro ni Stephan Schrock

January 3, 2023 @ 7:57 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Binigo ng Indonesia ang huling laro ng Philippine national men’s football team captain na si Stephan Schrock nang mabigo ang Azkals laban sa Indonesia, 2-1, para tapusin ang kanilang kampanya sa AFF Mitsubishi Electric Cup.

Binuksan ng Indonesia ang scoring sa ika-20 minuto matapos ang goal ni Dendy Sulistyawan. Isang goal ni Marselino Ferdinan sa 42′ mark ang nagdoble sa lead para sa Indonesia, 2-0.

Nagbigay ng kaunting pag-asa si Sebastian Rasmussen para sa Azkals nang umiskor siya sa cross mula kay Schrock, na nasa kanyang ika-57 cap para sa Azkals, ngunit nanaig ang mga Indonesian sa huli.

Dahil sa pagkatalo, tinapos ng Azkals ang kanilang kampanya sa isang panalo at tatlong talo.

Uusad ang Thailand at Indonesia mula sa Group A ay uusad sa knockout semis ng tournament.JC