Azkals mapapalaban vs Mongolia, Palenstine, Yemen sa AFC qualifiers

Azkals mapapalaban vs Mongolia, Palenstine, Yemen sa AFC qualifiers

February 28, 2022 @ 9:45 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Sasagupa ang Philippine Azkals kontra sa host Mongolia, Palestine, at Yemen sa ikatlo at huling round ng 2023 AFC Asian Cup qualifiers sa Ulaanbaatar.

Nasa Group B  ang apat na koponan na huling hakbang para makakuha ang slot sa Asian Cup na gaganapin mula Hunyo 16 hanggang Hulyo 16 sa susunod na taon.

Hinahangad ng Azkals na makapasok sa Asian Cup sa ikalawang sunod na pagkakataon matapos ang makasaysayang tagumpay noong 2019.

Kabilang ang Azkals sa 22 koponan na nabigong makakapasok sa Asian Cup sa ikalawang round na nagsilbing qualification din para sa 2023 Fifa World Cup.

Ang limang runners-up sa anim na grupo ang siyang mabibigyan ng tiket para maglaro sa Asian Cup.

Ang unang set ng fixtures ay gaganapin mula Hunyo 8 hanggang 14.

Batay sa mga ranggo, pinakamatatag ang Palestine na naka-rank na No. 100 habang ang Pilipinas ay nasa 129, Yemen sa 151, at Mongolia sa 184.

Ito ang susunod na kompetisyon para sa Azkals mula noong nakaraang taon ng Suzuki Cup kung saan nabigo silang maabot ang semifinals.JC