Azkals vs Yemen nauwi sa draw

Azkals vs Yemen nauwi sa draw

June 8, 2022 @ 3:28 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines –Bigong maka-goal ang Philippine men’s football team sa laban nila kontra Yemen dahilan para magtapos ang sagupaan  sa scoreless-draw sa pagsisimula ng kampanya nito sa 2023 AFC Asian Cup third round qualifiers sa MFF Football Center sa Ulaanbaatar, Mongolia.

Nakakuha ng puntos ang Azkals sa laban sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa Group B, ngunit ang kanilang tsansa na makapasok sa aktwal na torneo ay nakadepende sa resulta ng kanilang mga susunod na laban.

Ayon sa format, ang nangungunang koponan sa bawat isa sa anim na grupo kasama ang limang pinakamahusay na runners-up ay  papasok sa 2023 AFC Asian Cup na itinakda sa Hunyo 16 hanggang Hulyo 23 na iho-host ng isang bansang tutukuyin pa pagkatapos na umatras ang China sa torneo.

Makakalaban ng Palestine ang host Mongolia sa iba pang laban sa Group B.

Makakalaban ng Azkals ang host Mongolia sa Sabado sa MFF Football Center.JC