Azkals yukod sa Malaysia sa FAS Tri-Nations Series opener

Azkals yukod sa Malaysia sa FAS Tri-Nations Series opener

March 24, 2022 @ 2:00 PM 3 months ago


SINGAPORE – Natalo ang Philippine Azkals sa iskor na 2-0  kontra sa Malaysia sa FAS Tri-Nations Series noong Miyerkules sa Singapore National Stadium.

Umiskor ang Malaysian forward na si Akhyar Rashid ng dalawang goal para sa panalo nang buksan ng mga Pinoy ang kanilang kampanya sa event.

Binubuo ang Philippine team ng 25-man team na pinamumunuan ng goalkeeper na si Neil Etheridge at midfielder na si John Patrick Strauss gayundin ang debuting na si Gerrit Holtmann.

Kasama rin sa team sina captain Stephan Schrock at Bienvenido Maranon.

Ang torneo ay magsisilbing buildup ng koponan para sa AFC Asian Cup China 2023 qualifiers na nakatakda sa Hunyo 2022 sa Mongolia.

Magbabalik-laro ang Azkals sa Marso 29 kung saan makakaharap nila ang host Singapore sa alas-8 ng gabi.Rico Navarro