Azurin: Hinihinalang terorista ikulong sa AFP facility, ‘di sa PNP Custodial Center

Azurin: Hinihinalang terorista ikulong sa AFP facility, ‘di sa PNP Custodial Center

October 11, 2022 @ 3:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr. nitong Martes na ang mga terorista at iba pang mapanganib na mga suspek ay dapat iditine sa pasilipad ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Inihayag niya ito matapos tangkaing tumakas ng tatlong Abu Sayyaf members sa ilalim ng police custody sa PNP Custodial Center na nauwi pa sa hostage-taking ni former senator Leila de Lima.

“Kung ako po, ‘yung mga ganung klaseng tao ay mas maganda po siguro kung sa AFP na lamang po natin sila i-detain para nang sa ganun ay maximum facility po at ‘yung security po talaga ay medyo magampanan po ng ating kasundaluhan,” sabi ni Azurin.

“Honestly, if we have our way, talaga naman hindi naman natin dapat dinedetain ang mga ‘yan dito sa Camp Crame. Ang nangyari po kasi most of the time ‘yung court po ang ang nag-oorder sa inyong kapulisan na si ganito dyan madedetain for some reasons or another,” aniya pa.

Dahil dito, dapat umanong rebyuhin ang mga polisiya sa detensyon. RNT/SA