Azurin sa ICC drug war probe, ‘Wala kaming tinatago’

Azurin sa ICC drug war probe, ‘Wala kaming tinatago’

January 30, 2023 @ 1:39 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Enero 30 na wala itong itinatagong kahit ano, kasabay ng hiling nito sa International Criminal Court (ICC) na igalang ang soberanya at judicial system ng bansa.

Matatandaan na binuksang muli ng ICC ang imbestigasyon sa anti-drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., nakikipagtulungan ang ahensya sa Department of Justice para suriin ang mga kaso ng mga tauhan nitong hindi tama ang naging pamamaraan sa mga anti-illegal drugs operation nito.

“We are not hiding anything,” giit ni Azurin.

“What we are asking is for ICC to also give due respect to the judicial processes that we have in our country because we are a sovereign country. We have our own judicial proceedings,” dagdag pa niya, sa isinagawang press briefing.

Hinimok naman ni Azurin ang ICC na magpasa na lamang ng ebidensya kung mayroon man, sabay sabing: “we will do the process.”

“It’s a matter of reaching out — sino ba iyong mga nag-co-complain na ito sa ICC, so they can engage us. And we promise, the PNP will help to make sure that they will be served justice, if that’s what they’re asking for,” aniya.

Sa panahon ni dating PNP chief Guillermo Eleazar, nasa 300 kaso laban sa mga pulis na di-umano ay sangkot sa procedural lapses sa anti-illegal drug operations na ito ang ipinasa na sa DOJ.

52 PNP personnel ang nahainan na ng pormal na kaso.

“That’s why we don’t see any reason why the ICC would come in to investigate, because there are continuous investigations being done by the police in tandem with the Department of Justice (DOJ),” sinabi pa ni Azurin.

“The PNP is committed to upholding the rule of law in all our actions, and we call on ICC and all international bodies to respect the jurisdiction and sovereignty of our country to address these cases under Philippine laws,” pagtatapos nito. RNT/JGC