Babae arestado sa bomb joke sa Davao aiport

Babae arestado sa bomb joke sa Davao aiport

January 30, 2023 @ 6:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaresto ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEU) nitong Linggo, Enero 29 ang isang pasahero ng eroplano makaraang magbitaw ng isang bomb joke.

Ito ang iniulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Lunes, Enero 30 kung saan sakay ng Cebu Pacific Flight 5J97 sa Davao International Airport ang 59-anyos na suspek na si Annabelle Macose.

Nai-turn over na si Macose sa Sasa Police Station para imbestigahan.

Humingi naman ng tulong seguridad ang naturang flight ng Cebu Pacific sa pamamagitan ng Davao Control Tower makaraang magbitaw ng bomb joke si Macose.

Samantala, ang nalalabing 220 pasahero ay pinapapaba ng eroplano at muling sinuri ang mga bagahe upang masiguro na wala talagang bomba o anumang banta sa seguridad. RNT/JGC